Author: Rachel |
Date: July 24th, 2008 around 10am
Words in entry: 231
Filed under: Friends, Fun and LeisureMedyo busy busyhan ang buhay ko ngayon, nakakainis kung kailan malapit na akong mag-start pumasok sa bago kong work ang daming pumapasok sa isip ko na pwede kong gawin.
Bakit kaya laging ganoon, kapag marami pang oras pakiramdam ko natatamad na ako at gusto ko ng hilahin ang araw. Tapos kapag naman malapit na madaling madali ako.
Sa dami ng naiisip ko minsan nahihirapan akong matulog, kakaisip kung paano ko uumpisahan ang lahat. Sinusulat ko na nga sa notebookko yung mga naiisip ko para hindi ko malimutan.
At buti na lang bago ako bumalik sa normal na buhay bilang empleyado ay nakasama ulit ako sa badminton session naming magkakaibigan. Habang tumatagal parami na kami ng parami, so mas marami mas masaya. Nakasama ko din si Vangie, friend ko at ngayon friend na rin nila. Pakiramdam ko ang tagal namin naglaro kaya naman gutom na gutom ako, ay hindi lang pla ako, halos kaming lahat pala.

Nga pala gusto ko mag pasalamat kay Ate Caryn, nanalo ako sa nakakaaliw niyang pa-contest na ginanap noong birthday niya with her cute hubby. Belated Happy Birthday ulit Ate Caryn!
O dito muna ah medyo marami pa kasi akong gagawin may isang linggo at kalahati na lang ako.
Author: Rachel |
Date: July 17th, 2008 around 3pm
Words in entry: 244
Filed under: Health, WorkIlang weeks na lang mag start na ako sa bago kong work, medyo naeexcite na kinakabahan. Ang problema ko lang, sa tagal kong nagbakasyon hindi pa rin ako tumataba, wala naman akong ginagawa sa bahay. Sabi kasi ni Ate Jolly kailangan ko na talagang magpataba bago magsimula baka daw kapag andoon na ako mahirapan na akong magpataba. Tapos mag-uuwian na naman ako from Manila - Cavite, kamusta naman iyon db, baka lalo pa akong mangayayat.
Pinag-iisipan ko ng konti kung magboboard na lang ba ako since sobrang mahal na din ng pamasahe at nang magamit ang kung anu-anong allowance na ibibigay. Kaso as usual nagtatalo na naman ang isip ko tungkol sa desisyon na iyan. Ang hirap talagang maging Ate! Basta bahala na si Batman!
Hay paano ba tumaba? Kain naman ako ng kain, nainom ng gatas, natutulog sa tanghali, di na nagpupuyat sa gabi at umiinom pa ako ng vitamins, pero walang nadadagdag sa timbang ko. Sabi ng friend ko dapat daw malakas ako sa carbo at uminom daw ako ng pampagandang vitamins.
At eto ang ilang nirecommend niya: Appetens, Propan at Mosigor Vita. At ang iniinom ko naman Appebon with Iron, nirecommend ng Doctor ko, tumaba na ako dito dati, ewan ko lang bakit ngayon parang di umeeffective. Kailangan ko talagang tumaba ng di naman ako lelembot lembot sa trabaho at makayanan kong muli ang araw-araw na pagbabyahe.

You can simply call me Rachel. The girl behind this simple blog. 22. Taken. Finished IT at Mapua and currently employed at HP. Simplicity best described me and a God Fearing person. I love you if you love me and vice versa. Don't judge me, if you don't know the real me. I value time and people. I'm existing and here enjoys my wonderful life.
Want your business operations and performances be on top? Try IPA-IBA that surely boosts up the condition of your business operation.
busy as tutubee
appetite
Love NYC Transportation
Majune’s Birthday
it’s a Girl thing
WP 2.5.1
Emotional?
Badminton and Videoke
This is mine! All posts are from my brain, deep inside my soul and from the bottom of my heart. This is my life, the life I wish and plan for. No one can change the way my life wants to be, I only allowed one, my creator the God who made my life for a reason and great purpose.