Mother’s Day

Whatever I Say 6 Comments »
Author: Rachel
Words in entry: 323
Views: 44 Views

Happy Mother’s Day sa lahat ng mga Nanay! Nag-uwi ng cake ang kapatid ko para sa Nanay ko although hindi namin masyadong sinecelebrate ang ganyan, nakakatuwang isipin na kahit papaano ay naisipan pa din ng kapatid ko na bilhan ng cake si Nanay.

Mahiyain kasi ang Nanay ko pagdating sa ganyan kaya hindi namin nakaugalian ang bigyan siya ng regalo. Pero alam ko kahit naman papaano ay natotouch din siya, hindi lang niya pinapakita. Basta masaya na siya uwian lang ng masarap na pagkain.

Kung ikukumpara mo si Nanay kay Tatay mas showy at vocal talaga si Tatay pagdating sa ganyan. Si Tatay kasi kapag binigyan mo yan ng regalo kahit simpleng card lang, sobrang maaappreciate niya tapos minsan maiiyak pa. Para sa aming mga anak nakakataba ng puso na makita mo ang ganoong reaction.

Ganoon naman tayo db kapag nagbibigay  ng regalo sa mga mahal natin sa buhay. Hindi tayo nag-aantay ng ano mang kapalit, ang makita lang natin na naappreciate nila ung mga binigay natin ay dobleng saya ang nadarama natin.

Pero maging showy at vocal man sila o hindi, huwag pa din natin kakalimutan na ipadama natin sa kanila sa anumang paraan na espesyal sila sa atin. Hindi man natin madalas sabihin o ipakita kung gaano natin sila kamahal, ang pagiging mabuti, mabait at masunurin nating mga anak/tao sa lahat ng oras ay isang panghabang buhay nating maireregalo sa kanila.

Add ninyo pa rin tong blogsite ko sa inyong Technorati Favorites at i-add ko din kayo in return, sabihin ninyo lang sa akin Add to Technorati Favorites.

xoxo,

World Pyro Olympics 2008

Whatever I Say 14 Comments »
Author: Rachel
Words in entry: 589
Views: 131 Views


      

Nanood kami ng World Pyro Olympics 2008 last May 3 sa Mall of Asia. A day before the event bumili na kami ng ticket para makasigurado at hindi na maging problema sa mismong araw ng Pyro, P150 lang yung binili namin for General Admission.show General Admission Ticket ▼

Noong Pyro 2007, bumili lang kami ng tig P100 na something sa SM Department Store then papakita lang yung resibo para makapasok dun sa area which is San Miguel by the Bay na ang tawag ngayon. Ang daming taong nanood at super traffic. Wala man lang kaming paghahanda nina Cari at Dreids, akala namin ganon ganon lang. Pero iba talaga last year sa dami ng tao halos lahat ng restaurants/fast food chains naubos ang paninda. May iba pa nga naglagay na ng sign-board saying, “Wala na kaming tindang tubig!”.  At kaming tatlo dahil sa walang paghahanda uhaw na uhaw at gutom na gutom.

Pero this year maraming nagbago bukod sa tumaas ang price ng mga tickets medyo malayo na sa mismong area ang kalalagyan mo lalo na kung hindi ka willing magbayad ng mas mahal. Kung hindi ako nagkakamali P1,500 na ang price ng ticket sa mismong San Miguel by the Bay pero exclusive na yung food/seat doon at magandang venue. Para sa akin mas organize ngayon at hindi masyadong maraming tao kaya naman hindi matraffic.

Umulan ng malakas noong hapon at akala namin hindi na matutuloy dahil nakalagay sa ticket 5:00 PM ang start. Pero 7:00 PM na ako pumunta tiyak naman hindi agad iyon magsisimula ng ganoong oras. Dahil alam ko na ang nangyari last year, bumili na agad ako ng pagkain at inumin bago pa magsimula.

Read the rest of this entry »

xoxo,
Life is BeautifulCopyright © 2008 | simplyrachel | All Rights Reserved.
Glossyblue by N.Design Studio | Layout by Rachel.
Powered by WordPress 2.2.3
Login - Register - Ask Login

Entries RSS Comments RSS